Hindi na tumatanggap ng evacuees ang ilang evacuation center sa Quezon City dahil sa siksikan na ang mga ito.
Nais kasi ipatupad ng QC government ang physical distancing kung kayat ang ilang mga evacuation center ay nilimitahan ang bilang ng mga evacuees.
Mula pa kasi kahapon ng umaga ay inabisuhan na ang maraming residente na nasa mababang lugar na lumikas na bago ang pagdating ng bagyong Ulysses.
Labis na naapektuhan dito ay ang barangay Bagong Silangan.
Dinala ang mga ito sa covered court ng nasabing barangay kung saan mayroong 23 pamilya ang nakatalaga doon at sa Bagong Silangan Elementary School na may pinakamalaking evacuation site ay mayroong 37 pamilya.
Nakaranas naman ng ilang residente ng lungsod hail storm sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.