-- Advertisements --

Humarap ngayong araw sa pagdinig ng Senate committee on public order ang ilang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Sa salaysay ni Alvin Torero, sinabi nitong dati siyang recruiter, kung saan ilan sa mga ito ay menor de edad na kalaunan ay inaarmasan.

Si Torero ay sumali umano sa Kabataang Makabayan sa Lopez, Quezon, at naging aktibo hanggang sa pakikipaglaban sa mga sundalo bilang New People’s Army (NPA) member.

Habang siya ay aktibong rebelde, ginagamit daw niyang front ang pagtulong sa mga bata lalo na sa mga kapus-palad na madaling matangay.

Ayon naman kay Nancy Dologuin, dumating sila sa puntong nawalan na ng paniniwala sa Diyos dahil sa pag-brain wash.

Umabot pa raw siya sa kagustuhang maging suicide bomber para lamang sa idiyalismong sinusuportahan.