Inirekomenda ng isang ekonomista kay Pangulong Bongbong Marcos ang ilang serye ng executive order para maaksyunan ang epekto ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sa isang memorandum para sa Pangulo na may pamagat na “Food, Feed, and Fuel: Analysis and Recommendations on the September 2022 Inflation Rate,” inirekomenda ni Albay Representative Joey Salceda ang ilang hakbang para ma-contain ang tumataas na mga presyo.
Kabilang sa mga inirekomenda ni Salceda na siya ring tumatayong House Committee on Ways and Means chair ang mga aksiyon may kaugnayan sa pagkain, feeds, imported products, langis at indigenous energy sources.
Una sa pagkain, ipinanukala ni Salceda ang EO na nag-aatas para sa inventory at paglalabas ng lahat ng binili at available financial at material resources para sa agrikultura gayundin ang mabilis na pagkumpleto ng lahat ng nakabinbing pagbili para sa agrikultura, ay maaaring mailabas.
-Ang EO na nagtitiyak na lahat ng problema sa suplay para sa pagkain at iba pang farm producer ay maaring luwagan.
-Ang adminsitrative order na nag-aatas sa Department of Transport para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko patungo sa mga inter-island nautical routes.
-EO na nag-aatas sa lahat ng mga paaralan at barangay na gumawa ng community edible gardening programs.
-pagsasagawa ng food processing at storage trainings para sa mga magsasaka para mapangasiwaan ang mga sobrang pagkain.
-Muling pagbuhay sa vermiculture para sa animal feed o pagkain ng hayop sa ilalim ng Pangulong Marcos Jr.
Ikalawa, sa feeds at imported products, inirekomenda ni Salceda ang mababang taripa para sa inaangkat na mais hanggang 5% o taasan ang minimum access volume.
-Pagpapataas ng kasalukuyang 150,000 MT import program para sa refined sugar subalit sa ilalim ng auction system para mabawasan ang price differential at makalikom ng revenues para sa domestic sugar sector support.
Ikatlo, sa Fuel at indigenous energy sources, ipinanukala din ni Salceda ang pagtiyak na ang hydropower dams ay mahusay na makapag-produce ng suplay sa pamamagitan ng desilting.
– Pagpapataas ng produksyon sa doemstic coal at pagkonsidera sa pansamantalang pagluluwag ng DOE moratorium sa expansion ng mga planta na gumagamit ng domestic coal.
– Pag-isyu ng isang EO na magpapabilis sa local at national approval ng kaukulang permits para sa solar, wind at iba pang renewable energy projects.
– Pag-isyu ng amendments para sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng RA 9513 ng Renewable Energy Law para matanggal ang foreign ownership restrictions sa renewable energy generation.
-- Advertisements --