Naiyak umano ang ilang eksperto sa Amerika matapos mapasakamay nila ang aplikasyon ng pharmaceutical company na Moderna para sa otorisasyon bilang COVID-19 vaccine.
Hindi naitago ni Dr. Paul Offit, miyembro ng Food and Drug Administration ng Amerika at vaccine advisory committee, ang labis na pagbilib sa nakitang data ng Moderna. Tinawag pa niya itong “amazing.”
Una nang lumabas ang impormasyon na 94.1% na epektibo raw ang vaccine laban sa COVID- 19, habang 100% naman itong epektibo para maiwasana ang severe cases ng sakit dala ng virus.
Inamin naman ng Chief Medical Officer ng kompaniyang Moderna na si Dr. Tal Zaks, naiyak daw siya nang unang malaman ang resulta ng clinical trials.
Sa wakas daw kasi ay matutuldukan na rin ang matinding delubyo na dala ng pandemya.
Batay sa schedule ng FDA magsasagawa ng pulong ang Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee sa December 10 upang i-review ang Pfizer application habang sa December 17 sasailalim naman sa review ang aplikasyon ng Moderna.
Inaasahan ng pharmaceutical company na bago matapos ang buwan na ito tinatayang nasa 20 million doses ng vaccine ang handa ng ipamahagi sa Estados Unidos.
Sa sunod naman na taon nasa 500 million hanggang 1 billion doses ang ready na rin para sa iba’t ibang mga bansa.