-- Advertisements --

VIGAN CITY – Inaasahan na umano ng ilang mga Pinoy factory workers sa South Korea na tutumal ang produksyon ng kanilang mga pinagtatrabahuhang kompanya sa mg susunod na buwan dahil sa coronavirus disease 2019.

Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Eric Lores na tubong- Refaro, San Juan, Ilocos Sur ngunit nagtatrabaho bilang isang factory worker sa Seoul, South Korea, sinabi nito na inabisuhan na umano sila ng kanilang mga boss at manager na tutumal ang kanilang produksyon dahil sa lumalalang isyu sa COVID 19 lalo pa’t karamihan sa kanilang mga produkto ay ipinapadala nila sa China.

Sa kabila nito, hindi naman umano sila nangangamba dahil hindi naman sinabi na mawawalan na sila ng trabaho kung tutumal man ang kanilang produksyon.

Sa ngayon, maayos umano ang kalagayan ng nga Pinoy sa Seoul dahil medyo may kalayuan ito sa mismong lugar kung saan nanggaling ang unang kaso ng COVID sa South Korea.