-- Advertisements --
Lumakas ang panawagan mula sa mga fans ng Los Angeles Lakers na sibakin na ang head coach ng team dahil sa mahina umanong performance.
Nitong araw ay tumikim na naman ng masaklap na pagkatalo ang Lakers sa Indiana Pacers, 111-104.
Aminado naman si coach Frank Vogel, sa pressure laban sa kanya.
Aniya, naintindihan niya ang saloobin ng mga fans dahil sa pagmamahal nila sa team.
Sa huling limang laro, apat na ang nalasap na talo ng Lakers.
Nasayang din kanina ang 30 points at makasaysayang 12 rebounds ni LeBron James na pumasok din sa kanyang 10,000 career milestone.
Sa ngayon ang Lakers na dating kampeon, ay lalo pang bumagsak sa pang-walong puwesto sa rankings sa Western Conference.