Kinumpirma ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pansalamantala muna nilang dinisabled ang ilang features sa kanilang social media account.
Ayon kay AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad, ito ay dahil sa kanilang na monitor na suspicious activities mula sa mga mga umano’y trolls accounts.
Partikular na tinukoy ni Trinidad ang comment section ng kanilang social media account.
Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila hahayaang sirain ng mga trolls ang kumunidad sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa publiko.
Humingi rin ito ng paumanhin sa publiko ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sila ang pangunahing maaapektuhan ng naturang hakbang.
Samantala, maaari parin namang maging updated ang publiko dahil plano ng AFP na maglabas ng mga statements releases at impormasyon hinggil sa kanilang mga aktibidad sa pamamagitan ng official chanel mga media organization.
Nanawagan rin ito sa lahat na iulat ang anumang maoobserbahnang kadudadudang aktibidad online at maniwala lamang sa mga mapagkakatiwalaang sources ng impormasyon.