Ginawaran ang ilang mga Filipino artists sa ginanap na Asia Artist Awards sa Philippine Arena, December 14.
Nasungkit ng SB19 ang Best Artist award singer category habang ang Ben&Ben naman ay tinanghal na Best Choice Award.
Agaw-atensiyon din ang interbyu ni Melai Cantiveros kung saan napuno ng tawanan ang venue sa kanyang mga biro. Nag-uwi rin ng tropeyo ang aktres matapos makuha ang Best Actor award.
Bukod sa mga nabanggit na Pinoy artists ay iginawad din kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Fabulous Award.
Star-studded din ang naturang award-giving body dahil ilang mga KPop artists ang dumalo rito para personal na tanggapin ang kanilang mga award.
Nauwi ng grupong Seventeen ang Grand Prize for Album of the Year award. Itinanghal namang Actor of the Year si Lee Jun-Ho.
Ang Asia Artist Award ay taon-taong ginaganap sa iba’t ibang parte ng asya para bigyang parangal ang mga tao sa musika, pelikula, at telebisyon.
Dinaluhan ito ng higit sa 50 celebrities mula sa bansang South Korea, Japan, China, at Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan ginanap sa bansa ang naturang Korean-based award ceremony.
(Photo from Asia Artist Awards)