-- Advertisements --

Kinansela ng ilang airline companies ang mga flight dahil sa masamang lagay ng panahon.

Batay sa flight advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), partikular na apektado ng kanselasyon ang mga biyahe mula sa Metro Manila patungong Siargao at mga return flights nito.

Nabatid na kaninang hapon sana ang schedule ng flights, ngunit ipinagpaliban ang mga ito para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Payo ng airport authorities, makipag-ugnayan muna ang mga apektadong pasahero sa airline companies para sa rebooking at refund sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o online, upang hindi na maabalang pumila sa paliparan.