-- Advertisements --
Maraming mga flights ang nakansela matapos ang malawakang pagkasira ng processing system ng US Customs and Border Protection.
Ayon sa US customs, na gumamit sila ng alternatibong back-up system ay tiniyak na maibabalik ang sistema kapag ito ay naayos na.
Nilinaw nila na walang epekto ito sa mga departure system ng mga paliparan.
Umaabot sa halos 400,000 na air passengers at crew ang ipinoproseso ng CBP kada araw.
Hindi lamang ito ang unang beses na nangyari dahil noong January 2, 2017 ay nasira ang computer system nila ng apat na oras dahil sa dami ng mga bumiyahe.