-- Advertisements --
Nananatiling kanselado ang ilang flights sa bansa matapos ang pananalasa ng 2 magkasunod na nagdaang bagyong Kristine at Leon.
Sa isang statement, nag-abiso ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga air passenger na nananatiling sarado ang Basco Airport sa Batanes matapos hagupitin ng bagyo ang probinsiya.
Gayundin ang flights ng Cebgo ay kanselado sa San Jose Airport sa Mindoro kung saan nasa tig-78 inbound at outbound passengers ang apektado.
Inanunsiyo din ng ahensiya na isasara muna ang Lingayen Airport sa Pangasinan mula ngayong araw, Nobiyembre 1 hanggang bukas, Nobiyembre 2 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taong dadalaw sa kalapit nitong Lingayen Public Cemetery.