-- Advertisements --
Drone
Drone

PALAU UJONG, Singapore – Umaabot sa 18 flights ang na-delay sa Changi Airport sa Singapore dahil sa hindi otorisadong pagpapalipad ng drones.

Sa nasabing bilang, 15 umano ay paalis na eroplano, habang tatlong ang lalapag sana.

Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo na naapektuhan ang flight schedule dahil sa unmanned aircraft at masamang lagay ng panahon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS), maituturing na banta sa seguridad ang pagpapalipad ng drones nang malapit sa airport.

Sa kasalukuyan, inaalam na kung sino ang may-ari ng drones upang mapanagot ito sa batas.
Ang mapapatunayang lumabag sa patakaran ng paggamit ng drones ay maaaring pagmultahin ng 20,000 Singapore dollars o isang taong pagkakabilanggo. (BBC)