Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi muna magtataas ng presyo sa ilang food products.
Ito ay resulta ng pakikipagpulong ng ahensiya sa mga manufacturer para matulungan ang mga konsyumer sa gitna ng inflation at El Niño phenomenon.
Ayon kay ASec. Amanda Nograles, supervising head ng DTI Consumer Protection Group, nag-commit sa 60 araw na price freeze ang bawat manufacturer sa magkakaibang petsa.
Kabilang sa mga produktong walang pagtaas sa presyo ay ang processed foods, bottled water, processed milk at instant noodles.
Sinabi pa ng DTI official na patuloy silang nakakatanggap ng abiso mula sa mga manufacturer kaya’t dadami pa aniya ang listahan ng manufacturers na nangako sa bayanihan para sa mga konsyumer o nakikiisa sa price freeze.