-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang ilang opisyal ng White House kahit na sila ay nabakunahan na.

Sinabi ni White House press secretary Jen Psaki na pansamantalang pinagbawalang makapasok ang nasabing mga opisyal.

Katamtaman lamang aniya ang kanilang sintomas at hindi nakalapit sa mga matataas na opisyal ng White House.

Hindi naman na binanggit nito ang mga pangalan ng mga empleyado dahil pawang mga non-commissioned personnel ang nagpositibo.

Ang mga commissioned officials ay yung mga nagtatrabaho sa pangulo.

Pinawi naman ni Psaki ang pangamba na baka tumaas ang kaso at sinabing naging patuloy na nag-iingat ang mga White House officials.