-- Advertisements --

Isasama sa auction ang ilan sa mga gamit ni Guns N’ Roses guitarist Slash ng kanyang dating asawa mula sa 14 na taon nilang pagsasama.

Inanunsyo ng Julien Auction na kasama sa mga koleksyon ang Beverly Hills estate nina Slash at Perla Hudson.

Kasama rin sa nasabing auction ang black-custom made bowler hat, black leather motorcycle jacket na may imahe ni Jimi Hendrix sa likod pati na rin ang wedding veil at wedding cake topper ng mag-asawa.

Gaganapin ang auction sa Hard Rock Cafe sa New York sa darating na May 17 at 18. Ang malilikom na pera ay idodonate sa Youth Emerging Stronger charity.