-- Advertisements --
Ibinahagi ng ilang Gilas Pilipinas players ang pagka-stuck nila sa elevator ng kanilang hotel habang sila ay nasa Qatar.
Sa kanilang social media account ay nagpost sina Gilas players June Mar Fajardo at Calvin Oftana ng video ng pangyayari.
Makikita na kasama ng dalawa sina CJ Perez, AJ Edu, Mason Amos, Dwight Ramos at Kevin Quiambao na humingi ng tulong matapos na hindi agad na makalabas sa elevator.
Agad naman silang tinulungan ng staff ng mga hotel at ligtas silang nakalabas.
Sinasabing overloaded ang sakay ng elevator kaya hindi nito nakayanan ang mga manlalaro.
Nasa Doha ang Gilas Players para sa friendly games bago ang ikatlong window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.