-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Aminado ang namamahala ng League of Provinces in the Philippines na medyo nabawasan ang pressure na pinapasan matapos ang pagpapaigting ng restriction kaugnay ng NCR Bubble Plus.

Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinabahan umano ang ilang gobernador lalo na sa hamon ng pagtanggap ng mga uuwi sana sa mga lalawigan na mula sa Metro Manila.

Isa pa sa mga ikinatuwa at pinagpapasalamat ni Velasco ang pagpayag na ng DILG na humingi ng negative test result ng antigen test maliban pa sa unang clinical at exposure assessment lang.

Kumpiyansa rin ni Velasco na hindi magagamit ang requirement dito bilang negosyo o patawan ng mas mataas na halaga lalo pa’t lahat ay dumadaan muna sa provincial governemnt.

Resonable rin kung magkakaroon ng kunting pagtaas sa presyo dahil kasabay nito ang service fee sa mga medical technologists na nagsasagawa ng testing.