-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang magtungo sa Middle East ang ilang opisyal ng Pilipinas para asikasuhin ang pagpapauwi sag mga Pilipinong mangagagwa na apektado sa lumalalang tension sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, bibiyahe siya patungong Saudi Arabia at Kuwait sa susunod na linggo upang makipagpulong sa Filipino community at kumbinsihin na umuwi sa Pilipinas.

Magtutungo naman sa United Arab Emirates si Labor Undersecretary Claro Arellano, habang si Philippine Overseas Employment Administration Administrator Bernard Olalia ay sa Lebanon para tumulong sa repatriation at matiyak na maiuwi nang ligtas sa bansa ang mga OFW.

Muli ring tiniyak ni Cacdac ang kahandaan ng OWWA na tulungan ang OFWs na uuwi sa bansa mula financial assistance hanggang sa training para sa kanilang kabuhayan.