-- Advertisements --

Binatikos ng grupo ng mga kabataan ang isinusulong na flexible learning bilang new normal ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon sa Naitonal Union of Student of the Philippines na ang nasabing isinusulong ng CHED ay lalong magpapalala sa financial, mental at emotional na paghihirap ng mga mag-aaral.

Mas nananatili pa rin na epektibo ang face-to-face classes para sa edukasyon.

Kung plano aniya ng CHED na ipursige ang prolonged flexible learning ay dapat magbigay ng gadget at internet connections ang mga nangangailangan.

Tinawag naman ng Kabataan Party-list ang nasabing polisiya bilang kapabayaan sa sektor ng edukasyon.

Nakasaad kasi sa isinusulong ng CHED na flexible learning na isasagawa ang pinahalong online at offline na pamamaraan.

Iginigiit pa rin ni CHED chairman Prospero de Vera na kanilang ipapatupad ang flexible learning kahit na pagkatapos ng pandemic.