-- Advertisements --

Mahalaga na tignan ng mga negosyante bilang isang positibong hamon ang paglaganap ng Artificial intelligence.

Ayon sa IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) na dapat hindi lamang tignan na negatibo ang AI sa trabaho at sa halip ay tignan ang mga oportunidad na maibibigay nito.

Itinuturing ni IBPAP president at chief operating officer Jack Madrid na ang AI ay hindi lamang “distant challenge” at sa halip ito ay isang “present reality” na siyang humuhubog sa industriya at ekonomiya sa buong mundo.

Mula noong kanilang ginagamit na ang AI sa kanilang IT-BPM sector ay nagkaroon ng magandang resulta gaya ng mas lumakas ang produksyon at gumanda ang kalidad ng serbisyo.

Mahalaga na palawakin ng bansa ang paggamit ng AI sa mga manggagawa.