-- Advertisements --

Hinikayat ng grupong CitizenWatch Philippines (CWP) ang gobyerno na palakasin ang internet connectivity ng bansa.

Ayon sa grupo na ang broadband investment ay may malaking tulong sa mamamayan.

Inihalimbawa nila ay makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya dahil sa marami na ang pumapasok sa mga online business gamit ang internet.

Kapag magkaroon rin ng malakas na internet connectivity sa bansa ay mabibigyang din ng karagdagang kaalaman ang mga tao.

Base kasi sa datus ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nasa 65 percent ng populasyon ng bansa ang nananatiling walang access sa internet.