-- Advertisements --
Hinikayat ng grupong Infrawatch Philippines ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagpaliban muna ang paniningil ng mga transaction fees hanggang meron pang coronavirus pandemic.
Hindi kasi anila pare-pereho kung saan may ilang bangko ang naniningil na ng transactio fees habang ang iba ay ipinagpaliban hanggang sa katapusan ng taon.
Para aniya maging pantay sa lahat ay dapat gumalaw na ang BSP sa nasabing usapin.
Magugunitang inalmahan ng marami ang pagpapataw ng ilang mga banko ng service fees kung saan isa aniya itong pabigat ngayong panahon na pandemic.