-- Advertisements --

Ikinabahala ng grupong Doctors Without Borders ang patuloy na pagtaas ng mga nasasawi dahil sa pinaigting na military operations sa Gaza.

Sa loob lamang kasi ng isang araw ay nasa 70 katao na ang nasawi habang mahigit 300 ang sugatan na dinala sa Al-Aqsa Hospital sa central Gaza.

Nagkukulang na ang nasabing mga kuwarto sa nasabing pagamutan kung saan ang mga ibang pasyente ay sa sahig na nakahiga.

Dumagdag din sa nasabing problema ang pagkasara ng crossing sa rafah kung saan hindi makadaan ang mga trucks na may dalang tulong.