-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang isang economic group na baka lumubo ng P45 hanggang P50 ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa darating na limang taon pataas.

Ayon kay IBON Foundation executive director Sonny Africa, na hindi malabong mangyari ito dahil sa kontrobersiyal na PUV modernization program.
Inihalintulad din nito ang nangyari sa privatization sa mga industriya ng tubig.

Sa simula ay mayroong mula P15 o P25 ang minimum na pamasahe sa loob ng unang tatlong taon o limang taon pero asahan na lolobo pa ito ng hanggang P50 pagkalipas ng mahigit na limang taon.

Dagdag pa nito na mapipilitang magtaas ng pamasahe ang mga operators para mayroong silang pambayad sa mga modern jeeps na isinusulong ng Department of Transportation.