Nais ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives na baguhin ang rates sa mga sugar-sweetened beverages (SSB).
Ayon sa grupo na mula ng ito ay maimplementa ay tuluyan na itong humina dahil sa patuloy na inflation at ang pabago-bagong market dynamics.
Magugunitang noong 2018 ng ipatupad ang pagpataw ng P6.00 sa kada litro ng mga SSBs na gawa sa mga caloric o non-caloric sweeteners bilang bahagi ng pagbabawas ng mga obesity sa bansa.
Kasama rin ang P12.00 sa kada litro ng tax na gawa sa high-fructose corn syrup.
Ang two-tiered levy ay nagresulta sa 13 percent o abot sa 26 percent na pagtaas sa presyo ng mga inumin.
Itinuturing ng grupo na ang nasabing epekto nito ay short-term lamang.
Una ng sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na hindi niya isusulong ang mataas na buwis sa mga SSB.