Nanawagan ang ilang grupo sa kongreso na gumawa ng hakbang para patalsikin sa pwesto ang umanoy “immoral” na mahistrado o justices.
Pinuri ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment (Pinoy Aksyon) ang hakbang ni Pang. Rodrigo Duterte sa paglilinis ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Umapela ang grupong Pinoy Aksiyon sa kongreso na gamitin ang lahat ng kanilang panahon para sa makabuluhang isyu at tigilan na ang fishing expedition laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Aminado ang grupong Pinoy aksiyon na ang mga miyembro ng Korte Suprema ay may kaniya-kaniyang mga imperfections may mga parameters naman sa limitasyon kabilang na dito ang isyu sa morality na hindi dapat negotiable.
Tsina-challenge naman ng Aksiyon Pinoy group ang mga kaalyado ng Pangulong Duterte na pairalin ang kanilang pwersa at papanagutin ang mga tinaguriang “misfits” sa judiciary at hindi dapat pagbuntungan si Chief Justice Sereno.
Ayon kay BenCy Ellorin ng Pinoy Aksiyon may ilang miyembro ng JBC ang umalma sa nominasyon ni Justice Francis Jardeleza hindi lamang sa kaugnay sa isyu ng Itu Abba sa kundi sa umanoy immorality, nabatid umanoy na mayroon itong extramarital affairs sa kapwa abugado.
Una rito inakusahan ni Justice Antonio Carpio ng “tresonous” act of excluding the Itu Aba Reef mula sa territorial claim ng Pilipinas sa international arbitration nuong siya pa ang Solicitor General.
Sa kabila nito hindi na hiniling ng Committee on Justice si Carpio para kag testify laban kay Jardeleza.
Nanindigan ang grupong Pinoy Aksiyon na ang sinumang miyembro ng Supreme Court na may morality issues ay dapat patalsikin na sa pamamagitan ng impeachment.
Naniniwala naman ang grupo na imbes kay Sereno ibaling ang mga akusasyon dapat tignan din ang mga mahistrado na may morality issues.
Magugunita na isang municipal court judge sa Surigao del Norte na si MCTC Judge Exequil Dagala ang sinibak ng Supreme court dahil sa kasong immorality.
Disqualified si Dagala para makapag trabaho muli sa gobyerno at isa siya sa mga judges na iniugnay ni Pang. Duterte sa illegal drugs.
“There should be consistency in applying the moral integrity rule,†wika ni Ellorin ng grupong Pinoy Aksyon.