-- Advertisements --

Hinikayat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Scam Watch Pilipinas ang mga Pilipino na tangkilikin at gamitin ang eGov application ng Department of Information and Communications Technology.

Ayon sa grupo, makatutulong ito para ma iulat ang mga natatanggap ba text scams.

Sa isang pahayag, sinabi ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, dahil sa feartues ng naturang application, maaaring ireport ang mga nabibiktima ng text scams .

Bukod pa ito sa Hotline 1326 ng Inter-Agency Response Center na maaari ring tawagan sakaling mabiktima ng scammer online.

Kailangan lamang na i upload sa naturang app ang screenshot na natanggap ng publiko sa kanilang mga cellphone.

Handa rin aniya ang mga kinatawan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at National Telecommunications Commission.

Maari rin isumbong sa eGov app ang mga kaso ng child abuse, red tape, sunog, at iba pa insidente.

Top