Nagsagawa ng indignation rally sa Boy Scout Circle sa Quezon City para kondinahin ang pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ang iba’t-ibang grupo sa pamumuno ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Photojournalist Center of the Philippines (PJCP).
Sigaw ng mga ito ang pagtigil sa pagpatay sa mga mamamahayag na siyang pangalawang insidente na mula ng maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Magugunitang pinagbabaril sa Percival Mabasa habang lulan ito ng kaniyang sasakyan sa Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.
Bumuo naman ang PNP ng task force para magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Ayon kay PBGen. Roderick Augustus Alba, ang hepe ng PNP-Public Information Office na kanilang ginagawa ang lahat ng magagawa para maimbesitagahan ang insidente.