-- Advertisements --

Hinimok ng ilang grupo ng mga negosyo ang gobyerno na tulungang muling bigyan ng kasanayan ang mga apektadong manggagawa at tiyaking magkakaroon sila ng mga bagong oportunidad sa trabaho.

Ito ay matapos ang deklarasyon ni PBBM sa kaniyang SONA na i-ban ang lahat ng POGO sa ating bansa.

Malugod na tinanggap din ng grupo ang POGO ban.

Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Chairman George Barcelon na sinusuportahan niya ang pagbabawal sa POGO dahil mas marami itong pinsala kesa sa kabutihan.

Inihayag naman ni Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr. na ang pagbabawal sa POGO ay isang popular na desisyon at mabuti na ang phaseout period ay itinakda na sa katapusan ng taon.

Nauna rito, sinabi ng PCCI kasama ang iba pang grupo ng negosyo na 0.2 porsiyento lamang ang kontribusyon ng POGO sa gross domestic product ng bansa.