-- Advertisements --
Nagbigay ng iba’t-ibang pananaw sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga grupo ng negosyante sa bansa.
Ayon kay Rizalina Mantaring, pangulo ng Managemen Association of the Philippines, na may malaking epekto ang pagbabawas ng araw sa mga mahahalagang papeles mula sa gobyerno gaya ng naging pahayag ng pangulo.
Makakatulong din sa mga negosyante ang Trabaho bill at ibang mga tax reform package.
Ikinadismaya naman ni Calixto Chikiamco ang pangulo ng Foundation for Economic Freedom, ang naging SONA ng pangulo dahil hindi nabanggit kung paano mapapabuti pa lalo ang lagay ng ekonomiya sa bansa.