Pinuri ng ilang grupo ang Department of Justice dahil sa pagsasampa ng kasong kriminal sa may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill.
Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, lead convenor ng coalition Protect Verde Island Passage (VIP) na halos isang taon ng humihiling ng hustisya ang mga residenteng naapektuhan ng oil spill.
Ang hakba ng nito ng DOJ ay isang mahalagang hakbang para mapanagot ang mga kumpanya at ilang opisyal ng gobyerno.
Una rito ay inirekomenda ng DOJ ang pagsampa ng falsification of documents laban sa mga opisyal ng RDC Reield Marine Services at ilang empleyado ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil sa pamemeke ng mga dokumento na para mapayagang makalayag ang MT Princess Empress.
Napatunayan ng piskalya na pineke ng may-ari kasabwat ang ilang empleyado ng MARINA ang petsa kung kailan ginawa ang barko para mapayagan itong lumayag.
Nagbunsod din ang kaso sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigatioin-Environment Crime Division at Mayor Jennifer Cruz ng Pola, Oriental Mindoro noong Hunyo 2023 dahil ang bayan ng Pola ay labis na naapektuhan ng oil spill.