-- Advertisements --

Ilang grupo ang nagdaos ng kilos protesta ngayong araw para sa panawagan sa House of Representatives na ituloy na ang pag-impeach kay Vice President Sara Duterte dahil sa mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential at intelligence fund.

Si Duterte ay nahaharap sa tatlong reklamo ng impeachment, ngunit hindi pa ito tinatalakay ng mga mambabatas, at posibleng abutan na ng adjournment.

Magiging abala na rin ang mga kongresista sa pangangampanya para sa 2025 Midterm Elections.

Ang pangalawang pangulo ay dating kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naging magka-tandem pa sila noong nakaraang halalan, kung saan nakakuha ng malaking bilang ng kalamangan mula sa kanilang mga katunggali.

Samantala, hinimok ni Marcos ang Kongreso na ibasura ang mga pagsisikap na impeachment, na tinawag itong isang dagdag na abala mula sa mga prayoridad ng lehislatura.

Sa paniwala tyuloy ng ilang grupo, ang mismong pahayag ng presidente ang nakakahadlang para umusad ang pagpapatalsik sa bise presidente.

Ang mga nagpoprotesta na nakasuot ng puting damit ay may dalang mga plakard na nananawagan ng pagpapatalsik kay Duterte.

Tinatayang nasa 4,000 ang bilang ng mga tao sa EDSA rally ayon sa pulisya.

Habang nagtalaga naman sila ng libu-libo ring pulis para mapanatili ang kaayusan.

Si House Representative Perci Cendaña, isa sa tagasuporta ng reklamo ng impeachment, ay sumali din sa protesta at hinimok ang mga mambabatas na kumilos agad.

“Every day of inaction condones impunity, abuse of power, and harassment by Duterte against our nation’s leaders,” wika ni Cendaña.