-- Advertisements --

Iginiit ng ilang health groups sa bansa partikular na ng HealthJustice Philippines na kinakailangang paigtingin ng gobyerno ng Pilipinas ang mga operasyon nito laban mga e-cigarettes o vapes sa susunod na taon.

Sa isang pahayag sinabi ng naturang Non-governmental organization, na sila ay patuloy na umaasa na mag lalo pang palalakasin ng Department of Trade and Industry ang mga ginagawa nitong hakbang upang mapigilan ay talamak na bentahan ng mga vape sa bansa,

Ayon pa sa naturang grupo, ito ay tunay na mapanganib sa kalusugan lalong lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Atty. Benedict Nisperos, legal consultant ng HealthJustice, ang ganitong aktibidad ng bentahan ay talagang nakaka alarma dito sa Pilipinas .

Kahit saan kasi aniya ay available at madaling ma access ang mga vape ng mga kabataang kostumer at tumatangkilik nito.

Kinakailangan aniya na palawakin pa ng gobyerno ang pagmomonitor sa ganitong uri ng produkto .

Bukod dito ay kailangan din na magpatupad ng Vape Law na kung saan ipinagbabawal na ang pagbebenta ng naturang produkto sa mga kabataan na wala pa sa hustong gulang.

Samantala, nanawagan naman ang naturang health group sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na magtulungan ito upang mas mapaigting ang education campaign sa mga kabataan.

Layon nito na maipabatid sa kanila na hindi ligtas ang paggamit ng vape lalong lalo na sa kalusugan ng tao.