-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sinimulan na nila ang pagsilip sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worths (SALN) ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa panayam ng Bombo Radyo tiniyak ni PACC commissioner Greco Belgica na agad nilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon kapag natapos na nila ang evaluation sa loob ng hanggang tatlong buwan.
Sa ngayon 15 opisyal umano ng PCSO ang sumasailalim sa imbestigasyon ng PACC.
Kabilang umano dito ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng PCSO sa ilalim ng administrasyong Duterte.
May mga dating heneral at pribadong indibidwal din umano silang tinututukan, ani Belgica.