-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang ilan sa mga hog raisers mula ng maapektuhan ng African Swine Fever (ASF) ang lungsod ng GenSan noong nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Emil Gargaran, Department Head ng Gensan Veterinary Office, nasa 20% pa lamang umano sa mga backyard hog raisers ang bumalik sa kanilang hanapbuhay.
Matatandaang maraming baboy mula sa Barangay Apopong at Baluan ang isinailalim sa culling matapos naapektuhan ng ASF.
Takot ang ilan na muling mag-alaga ng baboy matapos ang malaking pagkakalugi ng mga ito.
Inihayag ni Dr. Gargaran, mas mahigpit na pagbabantay ang ipinapatupad sa siyam na mga quarantine checkpoint sa lungsod kung saan ipinagbabawal pa rin na ipasok ang pork products mula sa ASF affected areas.