CENTRAL MINDANAO – Namamahagi ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan katuwang ang provincial veterinarian office para sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng African swine fever (ASF).
Nakatanggap ng abot sa P1,156,500 sa 153 hog raisers mula sa mga bayan ng Makilala at Kidapawan City.
Ang tulong ay katapat (counterpart) ng provincial government at hindi pa kasali rito ang indemnification fee ng Department of Agriculture (DA) na aasahang matatanggap din ng mga magbababoy.
Sinabi ni OPVET chief Dr. Rufino Sorupia, hindi pa pinahihintulutang mag-alaga muli ng baboy ang mga magsasaka mula sa nabanggit na lugar upang masiguradong ligtas ang kalusugan ng bawat isa.
Layon din nito na hindi na kumalat pa ang sakit sa iba pang lugar sa probinsya ng Cotabato.