Inaresto ng mga otoridad sa Los Angeles ang ilang indibidwal na may kinalaman sa pagkasawi ng actor na si Matthew Perry.
Kabilang sa mga naaresto nila ang isang doktor na hinihinalang nagbenta ng iligal na droga sa actor.
Matapos kasi na matagpuan ang 54-anyos na actor na wala ng buhay sa tahanan nito sa Pacific Palisades, Los Angeles noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagsagawa sila ng imbestigasyon.
Lumabas kasi imbestigasyon na overdose sa gamot na ketamine ang actor.
Naglabas ang mga otoridad ng search warrants at kinumpiska ang mga computers, cellphones at ilang electronic equipment.
Sumasailalim kasi sa ketamine infusion therapy ang actor dahil sa kaniyang anxiety at depression pero ang nakitang ketamine sa katawan nito ay hindi nireseta ng doktor.
Lumabas na parehas ang level ng ketamine sa system ng actor na ginagamit sa general anesthesia tuwing may inooperahan.