-- Advertisements --

Ilang katao na sa Iran ang naaresto kasunod ng aksidenting pagtama ng missile at pagbagsak ng Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 katao.

Sinabi ni Iran Judiciary spokesman Gholamhossein Esmaili , na iniimbestigahan na ang mga naarestong tao.

Hindi na ito nagbigay pa ng anumang detalye sa nasabing pagkaaresto.

Ayon naman kay Iran President Hassan Rouhani, na didingin ang kaso ng mga ito sa “special court”.

Magugunitang inamin ng Iran na natamaan nila ng missile ang Ukrainian International Airlines flight P2752 na galing Tehran.

Pawang mga Iranian at Canadian citizens ang mga nasawing biktima.