Samo’t sari ang naging reaksyon ng masa patungkol sa panukalang P1 million cash gift para sa mga indibidwal na aabot ng 101 years old.
Itong House Bill 7535 ay higit na mas malaki ang ibibigay kumpara sa Centenarians Act of 2016 na P100,000 cash gift para sa 100 years old.
Kasama naman sa panukalang ito na ang mga indibidwal na aabot sa 80,85,90 at 95 years old ay makaka tanggap rin ng P25,000.
Subalit ayon kay Rolando Tan, 60 years old, mas maganda raw sana kung ibababa pa ito sa 60 years old upang mapakinabangan pa ng makakatanggap.
Para naman kay Marsilina Esmael, maganda raw ito ay dahil malaki ang maitutulong nito sa taong bayan.
Panawagan naman nila na sana ay huwag nang pa abutin sa isang daan ang edad dahil anila, bihirang bihira na raw ang nakaka abot sa ganitong edad.