-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos-protesta ang maraming residente sa Hawaii laban sa pagpapatayo ng pinakamalaking telescope sa mundo sa Mauna Kea Mountain.

Sa report ni Bombo International Correspondent Manny Pascua sa Hawaii, ilan sa mga sumuporta sa kilos-protesta ay mga international celebrities na sina ‘Aquaman’ star Jason Momoa na pumunta pa sa mismong protest site, Bruno Mars at si Dwayne Johnson.

Mahigpit ang pagtutol ng mga residente sa Hawaii ang pagpapatayo ng pinakamalaking telescope sa lugar dahil itinuturing nilang sagrado ang nasabing bundok.

Napag-alaman na ang 30-meter telescope ay pinondohan ng 1.4 bilyong dolyar at ipapatupad ng University of Hawaii.