-- Advertisements --

Maagang magpupulong ngayong araw ang mga senador para kompletuhin ang detalye ng bagong committee chairmanships ng 18th Congress.

Huling isyu kasi na paplantsahin ang 2.5 percent na isyu sa committee distribution sa pagitan ng majority group members.

Pero sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na maliit na lamang ang kanilang inaayos at tiyak na mabilis lang itong mareresolba.

Kompiyansa naman ang karamihang senador na wala nang magiging problema sa liderato ni Sotto, dahil wala namang interesadong lumaban mula sa mga grupo sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Samantala, buhos ang congratulatory message ng mga kasamahan sa Senado ni Sen. Manny Pacquiao.

Kabilang sa mga agad nagbigay ng papuri sa panalo nito kay Keith Thurman sina Sens. Cynthia Villar, Migz Zubiri at Lito Lapid.