-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas nagiging kaawa-awa ngayon ang sitwasyon ng mga mamamayan sa Italy na itinuturing na sentro ngayon ng coronavirus disease pandemic.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Eleonora Vergara, isang Pinay na residente sa Milan, Italy, ibinahagi nito na desperado na ang mga taong makakain hanggang umaabot sa punto na lumalabas sila upang makapagtrabaho kahit ikamamatay nila ito.

Paglalarawan pa ni Vergara na parang isang “suicide mission” ang paghahanap ng trabaho, makahanap lamang ng makakain ang mga tao.

Ibinahagi nito na ginagawa ito ng mga mamamayan dahil hindi pa binibigay ng Italian government ang mga ayuda sa kanila.

Samantala, ibinahagi nito na tatlong OFWs na rin ang nasawi sa nasabing bansa.

Isa umano rito ay 600-anyos na factory worker na tubong-Cebu City kung saan inatake ito sa puso at natuklasang positibo ito sa coronavirus disease kung saan kaagad namang nai-cremate ang kaniyang bangkay.