Nagsampa ng kaso ang mga Jewish na mag-aaral at mga guro laban sa Harvard University dahil sa Antisemitism.
Kinukunsinte umano ng Harvard ang diskriminasyon at karahasan sa mga Jewish students, na mas lumala simula noong October 7 bombing ng Hamas sa Israel na kumitil sa libo-libong inosenteng buhay.
Kabilang ang organisasyong Against Antisemitism, Inc. sa mga nagsampa ng kaso sa paaralan. Lumalabag ang unibersidad sa civil rights ng mga Jewish na mag-aaral, ayon sa grupo.
Sinabi naman ng abogado na si Marc Kasowitz na dapat dinggin ng korte ang mga isinampang kaso ng mga Jewish students at professors laban sa Harvard. Hindi aniya magkukusa ang paaralan na resolbahin ang “Antisemitism cancer,” kung hindi ito aabot sa paghahain ng kaso.
“Harvard must be forced to protect its Jewish students and stop applying a double standard when it comes to anti-Jewish bigotry,” ayon kay Kasowitz.
Patuloy naman na nanawagan ang United States Department of Education sa mga kolehiyo na maaari silang tanggalan ng Federal fund kung mapapatunayan na ipinagsasawalang-bahala ng mga paaralan ang Antisemitism at Islamophobia.