Dismayado ngayon ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero sa Bulacan sa mabagal na usad ng kaso nito.
Ito ay sa kadahilanang hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa mareso-resolba ang pagkawala ng mga biktima ilang taon na ang nakakalipas.
Daing ng pamilya’t mga kaanak ng mga nawawalang biktima, bukod dito ay wala rin anila silang natatanggap na anumang update sa mga otoridad mula sa Criminal Investigation and Detection Group pagkatapos ng case conference sa Department of Justice.
Kaugnay nito ay ikinalungkot din nila ang pagbabasura ng korte sa search warrant na na may kaugnayan sa nasabing kaso na maaari anilang makatulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Kung maaalala, nitong Setyembre lamang ay naaresto ang anim na indibidwal sa Paranaque City na iniiuugnay sa isa sa mga kaso ng missing sabungeros sa Maynila.
Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging pahayag ang PNP-CIDG ukol dito.