-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga kababaiihan sa Kabul-Afghanistan.

Kahit na delikado ay hindi nagpatinag ang grupong Women’s Political Participation Network kung saan nag-martsa ang mga ito sa harap ng Finance Ministry ng Afghanistan.

Ipinapanawagan ng mga ito ang pagsali ng gobyerno ng Afghanistan at ang pagpapatupad ng batas.

Hiling nila ang karapatan sa edukasyon at trabaho.

Magugunitang sinabi ng mga Taliban militants na bubuo sila ng bagong gobyerno kung saan isasama nila ang kababaihan.

Nauna ng nagsagawa na rin ng kilos protesta ang grupo ng mga kababaihan sa Herat province.