-- Advertisements --
Sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa Port Area Manila.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na nagsimula ang sunog dakong 12:03 ng umaga.
Mabilis itong umakyat ng ika-limang alarma matapos ang halos 30 oras.
Matapos ang mahigit dalawang oras ay nakontrol na ng Bureau of Fire Protection ang sunog.
Kasabay din nito ay sumiklab din ang sunog sa bahagi ng Moriones, Tondo sa Maynila.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing sunog.