-- Advertisements --

Umabot sa halos dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog sa residential area sa Barangay Sauyo, Quezon City, kagabi.

Umakyat pa sa ikalawang alarma ang nasabing sunog kung saan hindi bababa sa limang kabahayan ang natupok ng apoy.

Nagtulong -tulong na rin ang mga residente para maapula ang nasabing sunog.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog.