-- Advertisements --
Umabot sa ikalimang alarma ang itinaas na alerto sa malaking sunog sa lungsod ng Maynila nitong Miyerkules ng hapon.
Natukoy ang lokasyon nito sa isang residential area sa Recto Avenue, Sta. Cruz, Manila.
Dahil sa laki ng apoy at matinding usok, napilitan ang Light Rail Transit Line 1 na ipatigil muna ang kanilang byahe sa nasabing lugar.
Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pa rin ng mga otoridad na apulahin ang apoy.
Tumulong na rin ang dose-dosenang fire truck at fire volunteers sa Metro Manila upang hindi na kumalat ang sunog.