KORONADAL CITY – Ikinagulat ng ilang mga residente ang pag-ulan ng yelo sa Barangay Kalakacan,Bayan ng Pikit,North Cotabato.
Ayon kay Barangay kapitan Nasrudin Elyan, Chairperson ng Barangay Kalakacan,Bayan ng Pikit, North Cotabato, unang beses itong nangyari sa kanilang barangay.
Tumagal ng halos 5 minuto ang pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar na naging sanhi ng pagkayupi ng ilang mga bubung ng mga residente.
Dagdag pa ng opisyal, pinakamalaking yelo na nakita ng mga residente ay mala-kamao kalaki na nagin sanhi ng pagkasira ng bubungan ng ilang mga kabahayan.
Ayon pa sa opisyal, bago pa man ang pag-ulan ng yelo, naeksperyensyahan ng mga residente sa lugar ang malakas na hangin na naging sanhi ng pagkawasak ng isang tahanan sa bulubunduking parte sa kanilang barangay.
Maswerte namang walang nasaktan sa pagdaan ng malakas na hangin at pag-ulan ng yelo.
Sa ngayon, may mga pag-ulan paring naitatala sa kanilang lugar na naging sanhi ng malamig na klima sa lugar.
Nananawagan naman ang opisyal sa mga residente na wag nang lumabas sa oras na umulan ulit ng yelo at dumaan ulit ang malakas na hangin.