-- Advertisements --

Sinira ng mga security forces ng India ang mga bahay ng ilang Muslim na iniuugnay sa riots dahil sa paninira kay Prophet Mohammed.

Bago pa man gibain ang mga bahay ay sinabihan na ang mga ito na lisanin na ang kanilang bahay.

Mula sa nangyaring riot ay aabot na sa 300 katao ang inaresto na may kinalaman sa nasabing kaguluhan.

Nauna rito ay nagsambit ng hindi magandang salita si BJP spokeswoman Nupur Sharma na ikinagalit ng mga Islamic nations.